Nabudol sa Sagada - An Epic Bike Journey
Ito ay isang late post pero i-kwento ko na rin sa inyo ang nangyari sa akin/amin sa Sagada. Nagplano ang grupo ng isang napakatinding malayuang pagpadyak. Napagkasunduan namin na ito'y mangyayari sa Nobyembre 1, 2018 at bakit sa petsang ito? kadahilanan ito lang ang may mahabang bakasyon(Holiday) at katapusan ng linggo. Bago sumapit ang araw ng aming pagpadyak ang Hilagang Luzon ay dalawang araw na hinagupit ng bagyong Rosita. Kaya sa araw mismo ng aming napagkasunduan pagpadyak mag-isa ko na lang na tinuloy ang pagpadyak at hindi ko alam kung bakit hindi na sumama yung iba. 😂 Nobyembre 1, 2018 Mula sa aming bahay pinadyak ko ang daan patungo sa direksyon timog(Bagabag, Nueva Vizcaya) kapansin pansin ang pinsala sa paligid na dulot ng bagyong Rosita. Pagkadating ko sa Bagabag ako ay lumiko patungo sa direksyon na may karatulang to Banaue. Nag umagahan ako sa Pamilihang Bayan ng Lamut may mga Kariderya doon. Pagkatapos pumadyak na ulit ako patungo sa bayan ng Lagawe mahirap mag