Nabudol sa Sagada - An Epic Bike Journey

Ito ay isang late post pero i-kwento ko na rin sa inyo ang nangyari sa akin/amin sa Sagada. Nagplano ang  grupo ng isang napakatinding malayuang pagpadyak. Napagkasunduan namin na ito'y mangyayari sa Nobyembre 1, 2018 at bakit sa petsang ito? kadahilanan ito lang ang may mahabang bakasyon(Holiday) at katapusan ng linggo. 

Bago sumapit ang araw ng aming pagpadyak ang Hilagang Luzon ay dalawang araw na hinagupit ng bagyong Rosita. Kaya sa araw mismo ng aming napagkasunduan pagpadyak mag-isa ko na lang na tinuloy ang pagpadyak at hindi ko alam kung bakit hindi na sumama yung iba. 😂


Nobyembre 1, 2018
Mula sa aming bahay pinadyak ko ang daan patungo sa direksyon timog(Bagabag, Nueva Vizcaya) kapansin pansin ang pinsala sa paligid na dulot ng bagyong Rosita. Pagkadating ko sa Bagabag ako ay lumiko patungo sa direksyon na may karatulang to Banaue.




Nag umagahan ako sa Pamilihang Bayan ng Lamut may mga Kariderya doon. Pagkatapos pumadyak na ulit ako patungo sa bayan ng Lagawe mahirap magisa pumadyak lalo na malayo pa pupuntahan ko kaya nagdalawang isip na ako kung itutuloy ko ba ito. Sa hindi inaasahan pagkakataon may nakita ako tatlong kapadyak na nasa unahan ko, tinanong ko kung saan sila patungo sinabi nila SAGADA, yung oras din yun nasabi ko pwede makisabay sa inyo.





Mula mag isa ko naging apat na kami patungong Sagada 😃. Hindi ko alam kung anong oras kami nakarating sa arko ng Banaue siguro pasado alas dose na ng tanghali un kasi nagugutom na ako. Mula arko pababa na hanggang sa poblacion ng Banaue at doon na kami nanghalian.

















Balik padyak na kami patungo na sa Sagada, konting kuha ng litrato sa Banaue Rice Terraces. Ang kalsada ay matarik at paese-ese(zigzag) kaya medyo bumagal ang aming pagpadyak at medyo delikado ang kalsada maraming pagguho ng lupa. Kami ay huminto sa malaking rebulto ni Mama Mary para magpahinga. At muli kaming pumadyak dumaan sa bayan ng Bontoc, bago kami makarating sa Sagada may matinding aahunin na naman dahil maggagabi hirap na kami sa ahon sapagkat palowbat na rin ang aming mga ilaw. Nakarating kami sa bayan ng Sagada mga pasado alas otso na ata kung hindi ako nagkakamali, napakalamig na ng simoy ng hangin sa paligid kaya naghanap kami agad ng matutuluyan swerte naman may nakita kami na bukas pa. Konting kwentuhan at napagusapan namin kung saan kami magtutungo kinabukasan syempre pareho pareho kaming unang beses makapunta sa Sagada, nag google at facebook search kung ano ba maganda puntahan. 
  • Unang destinasyon Kiltepan peak dapat andun na kami ng mga 4 ng umaga sa kadahilanang maraming turista. 
  • Pangalawang destinasyon Blue Soil  and Marlboro Hill(dito yung NABUDOL kami 😂). 
  • Pangatlong destinasyon Bomod-ok Falls.




"NABUDOL SA SAGADA"

Nobyembre 2, 2018

Kinabukasan mga ikaapat ng umaga kami ay pumadyak patungo sa Kiltepan Peak, marami ng turista na una sa amin. Sa pagsikat ng araw mamangha ka sapagkat may dagat ng mga ulap(sea of clouds) na iyong masisilayan. 





Sea of Clouds



Bago kami tutungo sa pangalawang destinasyon naghanap muna kami ng makakainan, maraming kainan sa Sagada at nag order kami ng ETAG sa isang kainan. 😉



ETAG and Chopsuey


The Famous Sagada Lemon Pie House


Ito na ang patungo na kami sa pangalawang destinasyon namin na hindi namin alam kung saan kami dadaan, yun nga patungo na kami sa diretsyon ng Blue soil. At ito nga umpisa na ng

 "Nabudol sa Sagada"

     











Blue Soil

Blue Soil


Mula Blue Soil patungo sa Marlboro Hill ay kami ay lumakbay buhat ang aming bike 😂










Marlboro Hill


Hahanapin ko pa yung bidyo namin sa Marlboro Hill. Kaya ang pamagat ng blog na ito ay Nabudol sa Sagada dahil sa kadahilan binuhat namin bike namin paakyat sa mga matatarik at masusukal na kabundukan ng Sagada. 

Matapos ang aming pamumundok nagtungo kami sa  isa sa mga Falls dito sa Sagada, ang Bomod-ok Falls.

Bomod-ok Falls


Masaya lang sa pakiramdam na isa na naman itong tagumpay o katuparan ng aking pagbibisikleta. Maraming Salamat sa pag babasa hanggang sa muli kapag nakapadyak ulit.









 

Comments

Popular posts from this blog

Gabriela Falls

New Highest Point(TINOC) via Kiangan, Ifugao

The Quirino Watersports Complex